38% ng mga Pinoy, naniniwalang lalago pa ang ekonomiya ng bansa – survey
MANILA, Philippines — Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang ilan sa mga Pinoy na mas gaganda pa ang ekonomiya ng bansa sa susunod na mga buwan.
Ito ang resulta sa isinagawang survey ng OCTA research mula noong Disyembre 10 hanggang 14, 2023 na nasa 1,200 na mga adult Filipinos sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa.
Dito ay lumalabas na aabot sa 38% na mga Pinoy ang naniniwalang mas lalago pa ang ekonomiya ng Pilipinas sa susunod na anim na buwan.
Pinakamarami sa kanila ay naitala sa Northern Mindanao na mayroong 66% na optimism rate, habang ang Davao Region naman ang nakapagtala ng pinakamababang percentage na 10%, na sinundan naman ng MIMAROPA na 12%.
Samantala, sa naturang survey ay naitala rin ang 51% ng mga Pilipino na nagsabing walang maging pagbabago dito, 8% ang naniniwalang mas maging malala ito, at 3% naman ang nagsabing hindi nila alam.
- Latest