PNP officers, 15 araw na kulong sa Kamara
MANILA, Philippines — Pagkakulong ng 15 araw sa detention facility ang ipinataw kahapon ng Kamara sa mga PNP officers na sangkot sa unlawful arrest, arbitrary detention at pagnanakaw laban sa apat na inarestong Chinese nationals sa raid sa Parañaque City noong Setyembre ng nakalipas na taon.
Sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Public Order and Safety na pinamumunuan ni Sta. Rosa, Laguna Rep. Dan Fernandez, nagmosyon si Tulfo para ipa-contempt ang mga PNP officers dahilan sa pagsisinungaling sa pagdinig ng naturang panel.
Si Tulfo ay nairita matapos magmatigas sa pagtanggi ang mga police officers na aminin ang kanilang krimen sa kabila ng presentasyon ng video footages at gayudin sa resulta ng imbestigasyon ng PNP laban sa mga ito kung saan lumilitaw na lumabag ang nasabing mga pulis sa kanilang mandato matapos na pagnakawan pa ang nasabing mga Chinese na inakusahan ng mga ito ng human trafficking.
Magugunita na inireport ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., sa komite na 44 personnel mula sa Southern Police District-Detective and Special Operations Unit (SPD-DSOU) at Parañaque Police ang sangkot sa operasyon. Nasa 34 sa mga pulis ang inirekomendang isailalim na sa summary dismissal proceedings habang siyam naman ang hindi pa nasasampahan ng kasong administratibo dahilan sa kakulangan ng ebidensya. Ang mga ito ay inakusahan ng unlawful arrest kung saan nawawala umano ang P27-M ng mga Chinese sa vault sa naturang raid.
- Latest