985 pulis sinibak sa serbisyo sa ilalim ng Marcos admin
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Philippine National Police (PNP) na nasa 985 pulis ang tinanggal sa serbisyo dahil sa administrative cases mula nang pumasok ang Marcos administration.
Sa kanyang pahayag sa Camp Crame, Quezon City, sinabi ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na may kabuuang 3,932 tiwaling pulis isinailalim sa disciplinary sanctions para sa administrative offenses at pagkakasangkot sa mga iregularidad bilang resulta ng pinaigting na internal cleansing program mula July 1, 2022 hanggang Jan. 3 ng kasalukuyang taon.
Sa 985 napatalsik, 65 ang nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga habang sangkot ang 43 sa illegal drugs.
Ani Acorda, ipagpapatuloy nila ang pagsusulong ng “aggressive and honest” na kampanya laban sa ilegal na droga, na pinuri ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
“Having been recognized for such an effort, it’s also an honor on our part na (that) despite this less bloody impression, we were able to get this result and I urge our police force to continue such operations and we make it sure that respect for human rights is always upheld,” wika ni Acorda.
- Latest