^

Police Metro

Indonesian, 2 pa nasabat sa P4 milyong ‘yosi’

Joy Cantos - Pang-masa
Indonesian, 2 pa nasabat sa P4 milyong �yosi�
 Sa report ni Commodore Carlos Sabarre, commander ng Naval Forces Eastern Mindanao, naharang ng BRP Arremio Ricarte (PS37) kamakailan ang bangkang de motor na M/B Patay Sapa na sangkot sa pagpupuslit ng mga siga­rilyo sa bahagi ng nasabing karagatan.
File

MANILA, Philippines — Arestado ang isang boat captain na Indonesian national at dalawang Pinoy crew matapos silang masabat at masamsaman ng may P4-milyong halaga ng smuggled cigarettes sa isinagawang operasyon ng Philippine Navy sa karagatan ng Balut Island, Davao Occidental, ayon sa ulat kahapon.

 Sa report ni Commodore Carlos Sabarre, commander ng Naval Forces Eastern Mindanao, naharang ng BRP Arremio Ricarte (PS37) kamakailan ang bangkang de motor na M/B Patay Sapa na sangkot sa pagpupuslit ng mga siga­rilyo sa bahagi ng nasabing karagatan.

 Ang BRP Artemio Ricarte ay nasa ilalim ng kontrol ng Naval Task Force 71 na nagsasagawa ng territorial defense operations sa bahagi ng hangganan ng nasabing karagatan nang masabat ang kahinahinalang bangka.

 Nasa 100 kahon ng Gajah Baru cigarettes ang nakumpiska sa nasabing bangkang de motor na may tatlo kataong sakay.

 Sa interogasyon, nabatid na ang nasabing bangkang de motor ay galing pa sa Indonesia na patungong Linao, Maasim, Sarangani para ibagsak doon ang mga epektos nang maharang ng Phl Navy.

 Sa isinagawang debriefing ng Bureau of Immigration personnel, nabatid na ang boat captain ay isang Indonesian habang ang dalawang tripulante ay mga lehitimong Pilipino.

vuukle comment

SMUGGLING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with