^

Police Metro

80K cruise ship passengers dumaong sa Pinas

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine Ports Authority (PPA) na tuluyan na umanong nagbalik ang “cruise ship tou­rism” sa Pilipinas makaraang higit sa 80,000 cruise ship passengers ang bumisita sa bansa ngayong 2023.

Sinabi ni PPA General Manager Jay Santiago na tinanghal na “Best Cruise Destination in Asia” ang Pilipinas at inaasahan na lalo pang dadami ang dara­ting na bisita mula sa mga cruise ships sa 2024.

Nitong nakaraang araw ng Pasko, higit sa 1,000 dayuhan at lokal na pasahero lulan ng MV AidaBella ng Aida Crui­ses mula sa Germany ang bumisita sa Port of Coron at nag-ikot sa mga tourist destination sa Palawan.

Kaya na umano ng Port of Coron sa Palawan na mag-accommodate ng hanggang 900 indibid­wal sa kanilang passenger terminal makaraan ang malakihang renobasyon na nakumpleto ngayong 2023.

Sinabi ni Santiago na isang aral ang natutunan nila sa nakalipas na problema sa mga pasahero ng isang “cruise ship” sa Port of Manila, dahilan para mas paigtingin nila ang pagsasanay at pagpili sa mga tourism frontliners kasama ang mga private service provi­ders upang hindi mapahiya ang Pilipinas.

Nagmula ang 80,000 turista sa mga cruise ships ng Norweigan Cruise lines, Holland America line, Silverseas, Windstar cruises, at AIDA.

vuukle comment

PHILIPPINE PORTS AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with