Cease and desist order inilabas ng SEC laban sa isang korporasyon
MANILA, Philippines — Dahil umano sa iligal na pag-solicit ng investment sa publiko ay naglabas ng cease and desist order ang Securities and Exchange Commission (SEC) laban sa Superbreakthrough Enterprises Corp.
Sa isang dokumento na inilabas noong December 5, ipinag-utos ng SEC sa nasabing kumpanya na gamit ang pangalan na 1UP Tme, na itigil ang pagbenta ng securities na gumagamit ng investment contracts nang walang kaukulang lisensiya mula sa ahensiya.
Sakop ng nasabing kautusan ang presidente ng Superbreakthrough Enterprises Corp. Julius Allan Nolasco at ang kanilang directors, officers at agents.
Una nang naging subject ng isang cease and desist order ng SEC si Nolasco dahil sa promotion ng kaniyang illegal investment activities na pinapadaan sa Alphanetworld Corporation na mas kilala sa pangalang NWorld.
Lumabas ang order base sa ginawang monitoring activities ng SEC Enforcement and Investor Protection Department sa NWorld at kay Nolasco.
Nadiskubre ang operasyon ng Superbreakthrough Enterprises na nag-aalok ng mga health, wellness, skincare, at personal care product investment packages sa YouTube at Facebook na nagkakahalaga ng P10,000 hanggang P180,000 at pangakong 25% hanggang 35% returns ng product discounts, recruitment bonuses at iba pang incentives.
Bagama’t nakarehistro sa SEC bilang isang korporasyon ay wala itong nakuhang secondary license na magpapahintulot na mag-alok ng securities sa publiko.
- Latest