^

Police Metro

Rider, angkas todas sa ambulansiya

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Rider, angkas todas sa ambulansiya
Sa imbestigasyon, nangyari ang aksidente, alas-9:44 ng gabi sa Intersection ng Baler at Judge Juan Luna Sts., Brgy. Del Monte, Quezon City.
Philstar.com / Irish Lising, file

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang isang motorcycle rider at ang kanyang backride nang masalpok ng isang ambulansiya kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang mga biktimang sina Ray Daryl Azores, 32; at Jamile de Guia, 30, sales agent, kapwa residente ng Garcia Heights, Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Nasa kustodiya ng pulisya ang driver ng ambulansiya na si Jade Dacumos Calvo, ng Brgy. Dalandanan, Valenzuela City.

Sa imbestigasyon, nangyari ang aksidente, alas-9:44 ng gabi sa Intersection ng Baler at Judge Juan Luna Sts., Brgy. Del Monte, Quezon City.

Nabatid na patawid ang mga biktima sa nasabing lugar sakay ng Honda PCX na may plate no. 956WAG nang matumbok ng ambulansiya na may plakang SAA9406.

Sa lakas ng impact tumilapon ang mga biktima sa kalsada at agad na dinala sa ospital,subalit  idineklarang dead on arrival.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at damage to property ang driver ng ambulansiya.

vuukle comment

AMBULANCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with