^

Police Metro

5,000 preso lalaya ngayong Kapaskuhan

Joy Cantos, Malou Escudero - Pang-masa
5,000 preso lalaya ngayong Kapaskuhan
Ayon kay BJMP chief, Jail Director Ruel Rivera sa lingguhang news forum sa Quezon City na makakapaglabas sila ng humigit-kumulang 3,000 hanggang 5,000 PDLs ngayong buwan sa pamamagitan ng Good Conduct and Time Allowance (GCTA).
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nasa 5,000 persons deprived of liberty (PDLs) o preso ang inaasahang makakapiling na ang kanilang mga mahal sa buhay sa darating na Pasko, matapos na ihayag ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na sila ay palalayain ngayong panahon ng Kapaskuhan ng administrasyon ni ­Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay BJMP chief, Jail Director Ruel Rivera sa lingguhang news forum sa Quezon City na makakapaglabas sila ng humigit-kumulang 3,000 hanggang 5,000 PDLs ngayong buwan sa pamamagitan ng Good Conduct and Time Allowance (GCTA).

Ang tinutukoy ni Rivera ay ang Republic Act 10592, o ang Good Conduct and Time Allowance law, na nagpapababa sa oras ng pagkakakulong ng mga preso na nagpakita ng mabuting pag-uugali kaya pinapayagan ang kanilang maagang paglaya.

Sa pagbanggit sa mga rekord ng BJMP, sinabi ni Rivera na matagumpay nilang naipatupad ang mga utos ng korte na nagresulta sa pagpapalabas ng humigit-kumulang na 74,000 PDLs mula Enero hanggang Oktubre 30 ngayong taon.

Isa si Rivera sa mga panauhin sa lingguhang forum kasama si ­Associate Sandiganbayan Justice Karl Miranda kung saan tinalakay nila ang nalalapit na dalawang araw na National Jail Decongestion Summit sa Disyembre 6 at 7 sa New World Hotel.

vuukle comment

BJMP

PDLS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with