^

Police Metro

Drag racer nanagasa ng pulis

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Drag racer nanagasa ng pulis
Kinilala ang suspek na si Carl Andre Perez, 23, ng Brgy. Kaligayahan, Novaliches, Quezon City.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

Ayaw magpahuli

MANILA, Philippines — Isang lalaki na sangkot sa illegal drag racing ang inaresto matapos sagasaan ang isang pulis na huhuli sa kanya sa Quezon City, kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Carl Andre Perez, 23, ng Brgy. Kaligayahan, Novaliches, Quezon City.

Sa ulat, alas-2:10 ng madaling araw nitong Huwebes nang mapansin ng mga tauhan ng Que­zon City Police Station 16 TMRU ang isang kulay dilaw na Honda Civic Sedan at isa pang kotse na sobra ang ingay dahil sa accelaration ng dalawang sasakyan.

Nabatid na inihahanda na pala ng suspek ang kanyang kotse para sa drag racing contest sa Commonwealth Ave., kanto ng Mindanao Ave­nue, Brgy. Pasong Putik Proper, Novaliches ng lungsod.

Dito ay nilapitan ni Pat. Selvin Razon ang suspek, pero agad na pinaharurot ang kotse kaya’t nasagasaan ang una at hinabol ng iba pang kasama.

Dakong alas-9:15 ng umaga kahapon nang isuko ang suspek ng kanyang ama sa Brgy. Hall ng Kaligayahan, Novaliches, Quezon City at saka inaresto ng mga pulis. Nakuha naman ang sasakyan nito na kulay dilaw na Honda Civic na may plate No. WFD 616 sa San Mateo, Rizal.

Nahaharap ang suspek sa kasong frustrated murder, resistance and disobedience to an agent of a person of authority, alarms and scandal, at paglabag sa Batas Pambansa Blg. 33, sa ilalim ng Presidential Decree No. 1865.

 

vuukle comment

DRAG RACING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with