^

Police Metro

3-araw tigil-pasada ng piston, tuloy

Angie dela Cruz - Pang-masa
3-araw tigil-pasada ng piston, tuloy
Ayon kay Steve Ranjo, secretary general ng PISTON, may 20 protest ­areas sila sa Metro Manila sa gagawing tigil-pasada partikular sa Quezon City sa Novaliches, Philcoa, Litex gayundin sa Alabang at sa mga probinsiya ng Southern Tagalog, Bicol at Cebu.
Boy Santos

Simula sa Lunes

MANILA, Philippines — Simula bukas, ­Nob­yembre 20, tuloy na ang pagsasagawa ng tatlong araw na nationwide transport strike o tigil-pasada ng mga operator at driver na kasapi ng militant transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) simula sa Lunes, Nobyembre 20.

Ayon kay Steve Ranjo, secretary general ng PISTON, may 20 protest ­areas sila sa Metro Manila sa gagawing tigil-pasada partikular sa Quezon City sa Novaliches, Philcoa, Litex gayundin sa Alabang at sa mga probinsiya ng Southern Tagalog, Bicol at Cebu.

“Nagsama-sama ang iba’t ibang asosasyon ng masang tsuper at operator upang kondenahin ang napipinto at tuluy-tuloy na phaseout sa mga traditional PUJs sa pamamagitan ng sapilitang konsolidasyon. Masaker ito sa aming kabuhayan sa pamamagitan ng pang-aagaw sa aming prangkisa, upang magbigay-daan sa monopolyo kontrol ng malalaking korporasyon sa transportasyon.”pahayag ni Ranjo.

Binigyang diin ng PISTON na palpak, pahirap, at ‘di makatao ang PUV Modernization Program ng pamahalaan.

Nagpahayag din ng pagsuporta sa transport holiday ng PISTON ang UP Transport Group (UPTG) na makikiisa sa tatlong araw na tigil-pasada.

Kasama rin sa pagkilos ng PISTON ang UP Diliman student councils, League of Filipino Students UPD at iba pang  progressive organizations upang magpakita ng suporta sa magtitigil pasadang  ­jeep­ney­ drivers ng UP-SM North, UP-Philcoa, UP-Pantranco, UP-Katipunan, at UP Ikot routes.

Ipinababasura ng PISTON at UPTG sa LTFRB  ang pagpapatupad ng PUV Modernization Program at deadline para sa  franchise consolidation. Anila, dapat ibalik ang kanilang limang taong prangkisa na matagal na nilang gamit sa pamamasada ng jeep.

Sa ilalim ng PUV franchise consolidation, magsasama-sama sa isang kooperatiba ang iba’t ibang PUJ franchise holder para payagan na makapasada pero kailangang i-moder­nize ang kanilang sasakyan o palitan ang mga traditional jeepney unit ng mga airconditioned jeepneys.

STEVE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with