^

Police Metro

HS dropout arestado sa P102K shabu

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa kulungan ang bagsak ng isang high school dropout matapos makuhanan ng may P102,000 na halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng Pasig City Police kamakalawa ng gabi.

Itinago ang suspek sa pangalang Bryan, 19-taong gulang, at nakatira sa Brgy. Palatiw, Pasig City.

Sa ulat ng pulisya, alas-11:03 ng gabi nang magkasa ng operasyon ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit sa may Villa Monique Compound sa Brgy. Pinagbuhatan.

Hindi nakatunog ang suspek na asset ng pulisya ang kaniyang naging katransaksyon kaya matapos ang bentahan, agad siyang dinakma ng mga nagsulputang pulis.

Nakumpiska sa suspek ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng nasa 15 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P102,000.

Narekober din ang dalawang P100 marked money na ­gagami­ting­ ebidensya sa korte.

vuukle comment

BRYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with