^

Police Metro

Kampo ni De Lima balak na rumesbak

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Binabalak umanong bweltahan ng kampo ni dating Senador Leila de Lima ang mga taong nag-akusa sa kanya at nagdawit sa illegal na droga sa New Bilibid Prison (NBP).

Sinabi ni Atty. Dino de Leon, pinag-usapan na nila ng kanyang team ang tamang hakbang para sa pagtutuos sa kanilang “political prosecutors”.

Giit pa ni De Leon, hindi maaaring walang managot lalo na sa mga ‘bumaboy’ sa justice system ng bansa.

Ayon pa sa abogado, ang mga taong nasa likod ng frame-up at sangkot sa political persecution  sa dating senadora ay dapat  managot  dahil sa pagkakabilanggo ni De Lima sa loob ng mahigit anim na taon.

Umaasa naman si De Lima para sa pagkikita ng kanyang pamilya sa kanilang lalawigan at muling maibalik ang normal na buhay sa lalong madaling panahon matapos na makapagpiyansa at makalabas ng bilangguan nitong Lunes ng gabi.

vuukle comment

NEW BILIBID PRISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with