PNP-ACG spox sinibak sa pwesto sa Makati raid vlog ni Rendon
MANILA, Philippines — Tinanggal sa pwesto ang tagapagsalita ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (ACG) dahil sa kontrobersyal na vlog sa isang raid na ikinasa laban sa isang lending company.
Sa viber message kahapon ni ACG Director Brig. Gen. Sidney Hernia, sinabi nito na si Capt. Michelle Sabino ay “will be doing other admin duties at HQS (headquarters) ACG while we are looking for somebody who can take over her job as spokesperson.”
Ang pagtanggal kay Sabino mula sa posisyon ay nag-ugat mula sa operasyon noong Oktubre 20 laban sa lending company sa Makati City na itinampok ni Rendon Labador sa kanyang Facebook Live.
Sa live stream ni Labrador, ipinakita kasi ang mukha ng mga empleyado ng Golden Koi Lending Co. Inc. dahilan para putaktihin ito ng mga kaanak ng mga empleyado at ng publiko.
Nitong Martes, Oktubre 25, sinabi ni Presidential Anti-Organized Crime Commission Undersecretary Gilbert Cruz na hindi nasabihan ng ACG ang mga opisyal na naroon sa raid sina Labador at iba pang miyembro ng media.
Ipinaliwanag ni Sabino na pinayagan lamang ng ACG ang mga vlogger at iba pang miyembro ng media na magtungo sa lokasyon matapos ang police operation.
Ani Labador, siya ang nagpasimula ng kolaborasyon sa ACG.
- Latest