^

Police Metro

73-anyos na lola, itinumba sa Batangas

Ed Amoroso - Pang-masa
73-anyos na lola, itinumba sa Batangas
Kinilala ni P/Lt. Col. Rix Villareal, Lipa police chief, ang biktima na si Rosario Abuyo, 73 na namatay habang dinadala sa, Lipa Medix Medical Center hospital dahil sa tama ng bala sa dibdib.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng bu­hay sa ospital ang isang 73-anyos na lola nang barilin ng nag-iisang suspek sa madilim na bahagi ng kanyang bukirin sa Barangay Ma­lagonglong, Lipa City, Batangas, kama­kalawa.

Kinilala ni P/Lt. Col. Rix Villareal, Lipa police chief, ang biktima na si Rosario Abuyo, 73 na namatay habang dinadala sa, Lipa Medix Medical Center hospital dahil sa tama ng bala sa dibdib.

Sa ulat, nakaupo sa likurang bahagi ng nirentahang van na minamaneho ng isang Nelso Canobas ang biktima kasama ang anim na iba pang pasahero.

Hininto ni Canobas ang van at bababa ito upang ka­u­sapin ang nakabuntot sa kanila na isang pampasaherong jeep.

Nang buksan nito ang pinto ng van ay duma­ting ang isang motorsiklo at huminto sa tabi na kung saan ay bumunot ng ba­ril at pinagbabaril nang malapitan ang walang ka­malay-malay na biktima.

Patuloy ang imbesti­gasyon ng pulisya sa mo­tibo nang pamamas­lang sa biktima.

vuukle comment

OSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with