Comelec: Daan-daang DQ cases, reresolbahin ngayong lingo
MANILA, Philippines — Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na kanilang reresolbahin ngayong papasok na linggo ang daan-daang disqualification cases (DQ) na nakahain sa kanila laban sa mga pasaway na kandidato para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Sinabi ni Comelec Chairperson George Garcia na umabot na sa 125 ang mga disqualification cases na hawak nila at nangako na maglalabasan na ang mga desisyon sa mga ito sa darating na linggo.
In an interview on Super Radyo dzBB on Saturday, Comelec Chair George Garcia said there are currently 125 disqualification cases filed for the 2023 BSKE.
“Mula sa dibisyon ng Comelec, umiikot na ang mga resolusyon kung saan ang 125 na na-file na disqualification cases ay ire-resolve na ng Comelec,” saad ni Garcia.
Sinabi niya na inaasahan ang pagkadiskuwalipika at pagtanggal sa listahan ng mga kandidato kapag naresolba ang mga kaso.
Kung hindi naman makakapagdesisyon sa isang kaso bago ang araw ng halalan dahil sa kakapusan ng panahon, may kapangyarihan umano ang Comelec para suspindihin ang proklamasyon ng isang kandidato na may nakabinbin na disqualification case.
Tiniyak ng opisyal na hindi naman magkakaroon ng kawalan ng liderato sa isang barangay kung hindi pa mapoproklama ang mananalong kandidato dahil sa maaaring pansamantalang humalili ang number 1 na kagawad.
- Latest