220 solo parents tumanggap ng P2K ayuda
MANILA, Philippines — Umaabot sa 220 na kuwalipikadong solo parents ang nakatanggap ng tig P2,000 tulong pinansiyal mula sa pamahalaang lungsod ng Navotas sa ilalim ng “Saya All, Angat All” program.
Ito’y matapos ang beripikasyon sa mga bagong apply at mga nag-renew ng solo parent identification cards sa lungsod.
“Solo parents face many challenges in raising their children on their own. We want to ensure that they will have a means to provide for their families especially during trying times,” pahayag ni Mayor John Rey Tiangco kung saan ang mga nabiyayaan ay ang ikaapat na batch.
Nagsimula ang Saya All, Angat All Tulong Pinansyal para sa mga solo parents bilang bahagi ng serye ng mga programa ng pamahalaang lungsod sa pandemic recovery.
Ang pamahalaang lungsod, sa pamamagitan ng City Ordinance No. 2019-17, ay nagbibigay rin sa mga indigent solo parents ng P1,000 educational assistance kada school year.
Bilang dating kongresista ng lungsod sa 18th Congress, si Tiangco ay kabilang sa may akda ng House Bill 8097, na kasama ang Senate Bill 1411, ay pinagsama-sama sa Republic Act 11861 o ang Expanded Solo Parents Welfare Act na
nagbibigay ng karagdagang benepisyo sa mga solo parents, tulad ng P1,000 monthly subsidy, 10% discount at VAT exemption, 7-day parental leave with pay, priority sa scholarship programs at grants, automatic PhilHealth coverage, at iba pa.
- Latest