^

Police Metro

Rapist/killer ng bata utas sa shootout

John Unson - Pang-masa
Rapist/killer ng bata utas sa shootout
Buhat ng mga barangay tanod ang bangkay ng suspek na si Rolando Baylon, Sr. nang mapatay ng mga pulis nang manlaban umano sa pag-aresto dahil sa panghahalay at pagpatay sa isang 3-anyos na batang babae sa bayan ng Senator Ninoy Aquino, lalawigan ng Sultan Kudarat.
John Felix Unson

MANILA, Philippines — Isang lalaki na umano’y humalay at pumatay sa 3-anyos na batang babae ang nasawi nang maki­pagbarilan sa mga pulis na aaresto sa kanya, kama­kalawa sa Brgy. Kuden, Se­nator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat.

Kinilala ang nasawing suspek na si Rolando Baylon, Sr.

Ayon kay Brig. Gen. Jimili Macaraeg,  director ng Police Regional Office-12, na bago ang shootout ay nasukol muna ng mga pulis ang suspek matapos ang ginawang krimen.

Nang ito ay aarestuhin na ay binunot nito ang kanyang kalibre 45 baril kaya naman inunahan siya ng mga pulis na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Naganap ang insidente ilang oras lang matapos mag-ulat sa Senator Ninoy Aquino Municipal Police Station ang mga residente ng Brgy. Kuden hinggil sa panggagahasa at pagpatay ni Baylon sa 3-anyos na batang babae.

Sa ulat ng pulisya, sapilitang tinangay ni Baylon ang bata sa isang liblib na lugar sa nasabing barangay  kung saan kanya itong inabuso bago pinukpok ng malaking bato sa ulo na sanhi ng agarang pagkamatay ng biktima.

Nabatid din sa pulisya na dati ng nakulong ang suspek sa iba’t ibang mga kasong kriminal, kabilang na ang pagpatay sa kapitbahay na nauwi sa aregluhan kaya nakalaya.

vuukle comment

RAPIST

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with