CA sinuspinde ang kumpirmasyon ni Herbosa bilang DOH chief
MANILA, Philippines — Sinuspinde kahapon ng Commission on Appointments (CA) ang kumpirmasyon ng appointment ni Teodoro “Ted” Herbosa bilang health secretary.
Ito ang kinumpirma ni Senate President Juan Miguel Zubiri, chairman ng CA at sinabing muling tatalakayin ang appointment ni Herbosa sa sandaling magbukas muli ang sesyon ng kongreso sa Nobyembre 6.
Tumagal ng halos apat na oras ang deliberasyon sa appointment ni Herbosa, bago suspindehin ng CA ang kumpirmasyon dahil sa kakulangan ng oras.
Itinalaga si Herbosa bilang health chief ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Hunyo 2023.
Bago ang kanyang kasalukuyang pwesto, nanungkulan si Herbosa bilang DOH undersecretary mula 2010 hanggang 2015.
Siya rin ay special adviser sa National Task Force Against COVID-19 sa kasagsagan ng pandemya.
- Latest