^

Police Metro

Metro Manila binalot ng smog

Danilo Garcia - Pang-masa
Metro Manila binalot ng smog
Inihayag ng DENR na ang nakikitang hamog sa Metro Manila kahapon ay dulot ng air pollution mula sa mga sasakyan na naipit sa trapiko at hindi galing sa volcanic smog na inilalabas ng Bulkang Taal.
Walter Bollozos

Ilang LGUs, nagsuspinde ng klase…

MANILA, Philippines — Binalot ng smog ang Metro Manila kung kaya’t kinansela kahapon ng local government units (LGUs) ang pasok ng mga paaralan sa pampubliko at pribado­ at maging pasok sa  kanilang tanggapan.

Nabatid na umpisa pa ng Huwebes ng hapon nang balutin ng makapal­ na ‘smog’ ang Metro Manila.

Kahapon, pasado alas-11:00 ng umaga sa Maynila nang mag-anunsyo ang Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ng kanselasyon ng “in person” o “face-to-face classes” sa panghapon sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

“Work in the city go­vernment of Manila, including its satellite offices, is likewise suspended starting 1:00PM,” ayon pa sa MDRRMO.

Maaga namang nagkansela ng klase sa mga paaralan si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na nag-anunsyo, ala-1:00 pa lamang ng madaling araw.

Kinansela rin niya ang pasok sa hapon ng kanilang mga empleyado sa lokal na pamahalaan maliban sa mga emergency responders.

Kinansela rin nina Parañaque City Mayor Eric Olivarez, Makati City Mayor Abby Binay, Taguig City Mayor Lani Cayetano ang klase sa mga paaralan sa panghapon, habang sa Las Piñas ay kasamang kinansela ang pasok sa lokal na pamahalaan.

Maaga namang nag­deklara ng walang pasok­ sa mga paaralan si Mun­tinlupa City Mayor Ruffy Biazon, na inanunsyo niya ng hatinggabi pa lamang.

SMOG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with