^

Police Metro

3 araw tigil-pasada ikakasa

Mer Layson - Pang-masa
3 araw tigil-pasada ikakasa
Mar Valbuena, chairman of the transport group Manibela, said on February 27, 2023 that drivers of 40,000 traditional jeepneys and UV Express units in Metro Manila will join the strike.
Photo by Walter Bollozos/The Philippine STAR

Sa patuloy na taas-presyo ng petrolyo…

MANILA, Philippines — Kung magtutuluy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa ay nagbabala kahapon ang mga lider ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Ope­rators Nationwide (PISTON) na magpapatupad sila ng tatlong araw na tigil-pasada.

Ayon kay Cirilo La­to­reno, pinuno ng PISTON-Baclaran, mapipilitan silang magpatupad muli ng tigil-pasada kung hindi aaksiyon ang pamahalaan sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.

Aniya, P500 kada araw ang nawawala sa kita ng mga jeepney drivers o katumbas ng P12,500 kada buwan dahil sa mataas na presyo ng langis.

Maiuuwi na sana aniya nila sa kanilang pamilya ang naturang halaga upang ipambili ng pang-araw-araw na panga­ngailangan nila ngunit napupunta ito sa krudo.

Kinumpirma naman ni Mody Floranda, national president ng PISTON, na hindi malayong mauwi sa tigil-pasada ang walang humpay na pagtaas ng mga produkto ng petrolyo.

Gayunman, wala pa aniyang petsa kung kailan nila ito isasagawa dahil pinag-aaralan pa nila ito sa ngayon.

Una nang sinabi ng Department of Energy (DOE) na posibleng mag­tagal pa ng hanggang Disyembre ang pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.

TIGIL PASADA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with