^

Police Metro

Trader sinundo ng kamatayan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinagsasaksak ang isang negosyante ng isang lalaking sumundo sa kanya sa kaniyang tindahan sa Taytay, Rizal, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Herbert Falcon, sari-sari store owner, ng Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal habang inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng lalaki na tumakas matapos ang krimen.

Sa ulat ng Taytay Municipal Police Station, bago naganap ang krimen, alas-8:30 ng gabi sa Block 5 corner Block 2 Sitio Tapayan, Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal ay nagbabantay ng kanyang tindahan ang biktima nang dumating ang salarin at sinundo ito.

Pinakiusapan ng biktima ang kanyang pinsan na siya munang magbantay ng tindahan habang wala ito.

Laking gulat na lang ng pinsan matapos lamang ang ilang minuto ay makatanggap ng impormasyon na patay na ang biktima matapos pagsasaksakin ng lalaking kasama nito.

vuukle comment

RIZAL

TAYTAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with