^

Police Metro

Bilibid sa Munti, isasara na sa 2028

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isasara na sa taong 2028 ang New Bilibid Prison (NBP) at ililipat ang libu-libong preso o Person Deprived of Liberty (PDLs) nito sa ibang mga penal farms at iba pang lugar.

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director-General Gregorio Catapang, Jr., plano rin nila na mapadala ang 80% ng mga inmates sa penal farm sa Palawan bilang paghahanda sa pagsasara ng NBP.

Sa kasalukuyan, nasa 30,000 persons deprived of liberty (PDL) ang nananatili sa NBP, na ginagastusan ng gobyerno ng P12,000 bawat isa kada taon.

Hindi na umano praktikal ang pananatili ng NBP dahil sa napapalibutan na ito ng mga subdibisyon na kinakabahan umano sa presensya ng mga kriminal na bilanggo at posibilidad ng kanilang pagtakas.

Sa planong paglilipat sa mga bilanggo, nais ng BuCor na mas maging produktibo sila sa lilipatang penal farms para mas maging madali ang pagbabalik nila sa lipunan kapag nakalaya na.

“Walang ginagawa ang PDL, nasa preso lang sila. Pero ang nakalimutan po dito, ang pangalan po ng ating mga kulungan, Davao o Iwahig Prison and Penal Farm, so kailangan may farm para sa ganoon iyong mga nakakulong magiging productive, para makapagtanim sila, makakatulong sa bayan,” saad ni Catapang.

Nasa 28,000 ektarya umano ang Palawan Penal Farm na maaaring taniman ng palay para makatulong sa pagpapababa sa presyo ng bigas sa bansa. Muling matututunan din aniya ng mga PDLs ang halaga ng pagkita ng pera sa pamamagitan ng pagtatrabaho at sariling pagsusumikap.

Nitong nakaraang dalawang buwan, nasa 500 lalaking aDLs at 50 babaeng PDLs mula sa Correctional Institute for Women ang inilipat na sa Iwahig Prison at Penal Farm sa Palawan. Nasa 4,150 PDLs ang susunod namang ililipat sa Davao Prison and Penal Farm sa Davao del Norte hanggang Disyembre 31 ngayong taon.

vuukle comment

NEW BILIBID PRISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with