DOH implementation sa purchase slip booklet sa senior citizens ipatigil

MANILA, Philippines — Ipatitigil na ang implementasyon ng purchase slip booklet bilang mandatory requirement para makakuha ng discount ang mga senior citizens sa pagbili ng mga gamot at iba pang mga goods.
Ito ang sinabi ni Baguio City Rep. Mark Go nang maghain ito ng House Resolution (HR) 1263 na humihikayat sa Department of Health (DOH) para ipahinto na ang implementasyon ng nasabing purchase booklet dahilan sa dagdag pahirap at nakakagulo lamang ito sa mga senior citizens.
Ang HR 1263 ni Go ay tinukoy na ang Republic Act (RA) 7432 o Senior Citizens Act at ang amyenda ritong RA 9257 at RA 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2003 at 2010 ay nagkakaloob sa mga senior citizens ng 20% discount mula sa lahat ng transport services, hotels, lodging establishments, restaurants, recreation centers at medisina.
Noong 2010 ay nag-isyu ang DOH ng Administrative Order (AO) 2010-0032, na nagtatakda ng panuntunan sa implementasyon ng 20% discout sa pagbili ng mga gamot ng senior citizens bilang mandatory na rekisitos na ipiprisinta sa lahat ng mga hospital at maging sa mga medicine retail outlet.
Gayunman noong 2012 ay nag-isyu ng panibagong Administrative Order (AO) 2012-0007, na nagtatakda naman ng panuntunan sa 20% discount sa senior citizens sa mga health related goods at services pero dito’y wala namang kailangang iprisintang purchase slip booklet.
Gayunman sa mga medicine store at iba pang health services ay pilit pa ring hinahanap ang nasabing purchase slip booklet at hindi kinikilala na basta makapagprisinta lamang ng senior citizens ID.
- Latest


















