^

Police Metro

Lalaking guro inaresto sa panghahalay sa 11-anyos na estudyante

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang lalaking­ guro nang ireklamo nang paulit-ulit na pang­hahalay sa kaniyang 11-taong gulang na babaeng mag-aaral sa isang motel sa Va­lenzuela City at maging sa loob ng pina­pasukang paaralan.

Ito ay makaraang magsampa ng reklamo ang ina ng Grade 5 pupil nang panggagahasa sa bata matapos dalhin ng 32-anyos na suspek sa isang motel sa Valenzuela City.

Nabatid na inihatid mismo ng suspek ang bata sa bahay niya sa Cavite kinabu­kasan makaraan ang panggagahasa.

Dito nabatid ng magulang ng biktima ang ginawang panghahalay sa kaniya kaya’t humingi sila ng tulong sa NBI-Na­tional Capital Region na siyang uma­resto sa suspek.

Sa imbestigasyon, bukod sa pangha­halay­ sa motel ay ilang beses na ring hina­lay ng suspek ang biktima sa loob ng ka­niyang tanggapan sa pinapasukang paaralan.

Narekober pa sa posesyon ng biktima ang isang banig ng pills na ipinainom ng asawa ng suspek sa bata makaraang ma­laman na may nangyayari sa kaniyang mister at sa estudyante.

Katwiran sa mga otoridad ng suspek, may relasyon umano sila ng kaniyang estudyante at mahal umano niya ito kaya niya nagawa na makipagtalik sa menor-de-edad.

Sa kabila nito, tuloy ang paghahain ng kasong rape laban sa suspek at  damay rin sa kaso ang misis niya na nagpainom ng pills sa bata.

Inirereklamo rin ng mga magulang ng biktima ang paaralan dahil sa dito nangyari ang mga insidente ng panggagahasa at wala umanong komunikasyon o tulong na ipinaabot sa kanila ang prinsipal nito.

vuukle comment

GURO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with