^

Police Metro

P41-P45/kilo ng bigas simula na sa Martes  

Gemma Garcia - Pang-masa
P41-P45/kilo ng bigas simula na sa Martes   
Pinangunahan kahapon ni DILG Sec. Benjamin Abalos Jr. at MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes ang pulong ng mga opisyal ng gobyerno at mga public at private market administrators sa National Capital Region at tinalakay ang pagpapatupad ng Executive Order 39 series of 2023 o “rice price ceiling” sa Sept. 5 na inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Michael Varcas

MANILA, Philippines —  Ipatutupad na sa Martes, Setyembre 5 ang rice price ceiling o paglili­mita sa presyo ng bigas sa buong bansa.

Ang hakbang ay matapos na aprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Executive order No. 39 na nagtatakda sa presyo ng bigas sa P41 kada kilo sa regular milled rice at P45 kada kilo sa well-milled rice.

Sinabi ni Office of the Executive Secretary Undersecretary Leonardo Roy Cervantes, agad na magi­ging epektibo ang price cei­ling oras na mailathala na ang EO sa mga pahayagan o national newspapers.

Nilinaw naman ni Cervantes na lahat ng katanu­ngan tungkol sa naturang executive order ay maaa­ring itawag sa 8888 Citizen’s Complaint Center ng gobyerno.

Nauna nang inaprubahan ni Marcos ang rekomendasyon ng Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) na magtakda ng presyo ng bigas sa gitna ng nakaalarmang pagtaas ng presyo nito sa mga palengke.

Kasabay nito, inatasan din ng presidente ang DA at DTI na mahigpit na bantayan ang presyo ng bigas, bisitahin ang mga palengke, supermarkets at maging ang mga bodega na pinaghihinalaang sangkot sa hoar­ding, profiteering at iba pang illegal na aktibidad.

ROY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with