^

Police Metro

Huling istasyon ng LRT-1, tatawagin nang ‘FPJ’

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Simula sa Agosto 29, tatawagin ng Fernando Poe Jr. Station ang huling istasyon ng  Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) na dating Roosevelt Avenue station bilang pagkilala sa naging ambag sa Pelikulang Pilipino ng namayapang aktor , director, producer at writer.

Ito ay bunsod na rin sa umiiral na batas na  RA 11608 na siyang nagpalit sa Roosevelt Avenue na nasa unang distrito ng Quezon City bilang Fernando Poe Jr. (FPJ) Avenue.

Dahil ang FPJ Avenue ay final stop ng LRT-1, ito ay tatawagin na ring Fernando Poe Jr.  Station ng tren.

Magugunita na taong 2006 nang ideklara ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo si FPJ bilang “National Artist for Ci­nema”.

 Tumanggap din ang pamilyang Poe ng Posthumous recognition noong 2012 sa panahon ng admi­nistrasyong  Aquino dahil sa mga tanyag sa pelikula ni FPJ.

LIGHT RAIL TRANSIT LINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with