^

Police Metro

MC taxi pilot study balak ipatigil ng solon

Joy Cantos - Pang-masa
MC taxi pilot study balak ipatigil ng solon
Sa kabilang banda, umapela si LTO Chief at TWG Vice Chair Atty. Vigor Men­doza sa Kongreso na hu­wag munang itigil ang nasabing Motorcycle Taxi Pilot Study.
Michael Vargas, file

MANILA, Philippines — Binabalak ipatigil ni SAGIP Partylist Rep. Rodante Mar­coleta ang Motor­cy­cle Taxi Pilot Study na isi­na­sagawa ng Technical Working Group (TWG) ng Department of Transportation (DOTr).

Sa hearing ng House Com­mittee on Transportation, kinuwestiyon ni Marcoleta kung bakit nagpapatuloy pa rin ang nasabing MC Taxi Pilot Study ga­yong base sa isang report ay dapat nagtapos na ito noong 2021. Mainit ding tinanong ni Marcoleta ang mga kinatawan ng TWG kung bakit tatlong players lamang ang natanggap sa nasabing pilot study gayong may pito raw na nag-apply.

“So anong gagawin ni­yo, Mr. Chairman of the TWG, para hindi naman ka­yo mapagsuspetsahan na mayroon kayong kinikilingan? Ang direksyon, hindi niyo pa nga alam kung hi­hinto kayo. Kung gusto niyo, pahintuin na muna natin nga­yon. Effective today para lang sabihin natin na parehas na lang ang labanan. Pwede ba?” tanong ni Marcoleta. Paliwanag ni LTFRB Chair Teofilo Guadiz, na siya ring Chairman ng DOTr-TWG, tatlo lang ang nakapasa sa vetting pro­­cess ng gobyerno kaya sila lamang ang nabig­yan ng special provision to ope­rate.

Dagdag pa ni Guadiz, may ilang requirements din sila sa mga players tulad ng pagkakaroon ng sariling training facility, insurance pa­ra sa rider at pasahero, at pagpasa sa mga exam.

Kuwento ni Marcole­ta, may kakilala siya na nag-apply sa MC Taxi Pilot Study pero hindi man lang nakatanggap ng sagot mula sa TWG. Siya pa raw mismo ang nag-review ng documents at requirements at nakita niyang pasa­do at kumpleto naman lahat. Kaya naman pinapa-justify ng na­sabing Congressman sa TWG kung talaga bang may maayos itong vetting process at pinapagpaliwanag nito kung paano lumaki ang rider allocation ng nasa­bing pilot study ng hindi ina­abisuhan ang Kongreso.

Sa kabilang banda, umapela si LTO Chief at TWG Vice Chair Atty. Vigor Men­doza sa Kongreso na hu­wag munang itigil ang nasabing Motorcycle Taxi Pilot Study.

 

MC TAXI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with