^

Police Metro

Implementasyon ng Solo Parent Act, sisilipin sa Senado

Gemma Garcia - Pang-masa
Implementasyon ng Solo Parent Act, sisilipin sa Senado
“I will file a resolution para ma-review ang implementasyon ng batas na yan,” pahayag ni Go.
STAR / File

MANILA, Philippines — Matapos lumabas sa mga balita na hindi nabibigay ng maayos ang mga benepisyo ng Republic Act 11861 o ang Expanded Solo Parent Act, nangako si Sen. Christopher “Bong” Go na sisilipin ang naturang isyu.

“I will file a resolution para ma-review ang implementasyon ng batas na yan,” pahayag ni Go.

“Para sa mga solo parent yan. Pero kung hindi naman nila natatanggap ang mga benepisyo nito, ano pa ang saysay,” ayon sa senador mula sa Davao.

“Ikokonsulta ko din kay Senadora Riza Hontiveros, ang primary author ng naturang batas, hinggil sa gagawin nating resolusyon,” dagdag pa ni Go.

Nakarating kay Sen.Go, kahit malalaking lungsod hindi naibibigay ang P1,000 na monthly allowance ng mga solo parent na nakasaad naman ng naturang batas.

“Ang mas masaklap yung mga solo parent sa 5th o 6th class municipalities ay wala talagang natatanggap na ni singko dahil ayon sa balita, wala daw sila pagkukunan ng pondo,” pahabol pa ng senador.

Bukod pa dito ay wala umanong ibinibigay na 10 percent discount ang mga grocery store at mga botika na may mga anak na 6 years old and below gayung isa sa probisyon ng batas ay exempted ang mga solo parent sa value added tax kung sila ay di kumikita ng P250,000 pataas sa isang taon.

SOLO PARENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with