^

Police Metro

P1K monthly ayuda sa solo parent, isinusulong

Joy Cantos - Pang-masa
P1K monthly ayuda sa solo parent, isinusulong
This undated file photo shows one thousand peso bills.
The STAR/Walter Bollozos/File Photo

MANILA, Philippines — Isinusulong ni ACT-CIS Cong. Erwin Tulfo ang pagrepaso sa“Expanded Solo Parent Act” o Republic Act 11861 dahil mara­ming mga benepisyaryo ang hindi nakakatanggap ng mga benepisyo ng natu­rang batas.

Inihain ni Cong. Tulfo ang House Resolution 1150 sa layuning marebyu ang naturang batas dahil mara­ming mga single moms o solo parents ang walang natatanggap na ayuda.

“Yung P1,000 na buwanang dapat ibigay ng mga LGU (local government units) hindi raw naibibigay lalo na yung nakatira sa mga maliliit na bayan o munisipyo na ang dahilan ay wala umano silang pondo o kulang sa budget,” ayon kay Cong. Tulfo.

Kaya ang tanong ni Tulfo na kung walang budget ang munisipyo ay saan kukunin ang P1K ayuda para sa solo parent na isa nang batas.

Nalaman din ni Tulfo na maraming mga supermarket at mga botika ang hindi nagbibigay ng 10 per­cent discount sa mga solo parent na nakasaad naman sa batas.

“Kaya we ask the Department of Trade and Industry na ipaalam sa mga business establishments na dapat bigyan ng discount ang mga single moms o solo parents,” dagdag pa ni Tulfo.

Idinagdag pa ni Tulfo na dapat exempted din sa VAT ang mga pinamili ng mga solo parents pero hindi naibibigay sa kanila.

Kasama ni Tulfo ang kasamahan sa ACT-CIS Partylist na sina Cong. Edvic Yap at Jocelyn Tulfo na nag-file ng nasabing resolusyon.

AYUDA

SOLO PARENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with