^

Police Metro

Chatmate ginahasa, ninakawan; suspek timbog!

Angie dela Cruz - Pang-masa
Chatmate ginahasa, ninakawan; suspek timbog!
Sa ulat ng Mandaluyong Police, agad rin naaresto ang suspek na nakilalang si Jericho Reambilio y Loriano alyas “Jek-Jek”, 23-anyos at residente ng nasabing barangay.
STAR/File

Nag-eyeball sa Mandaluyong

MANILA, Philippines — Masaklap ang sinapit ng isang 24-anyos na dalaga sa kamay ng kanyang chatmate matapos siyang gahasain at pagnakawan pa nang mag-eyeball sa Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City.

Sa ulat ng Mandaluyong Police, agad rin naaresto ang suspek na nakilalang si Jericho Reambilio y Loriano alyas “Jek-Jek”, 23-anyos at residente ng nasabing barangay.

Ang suspek ay nahuli sa isinagawang pagroronda ng mga operatiba ng Mandaluyong Police Sub-Station 2 sa nabanggit na lugar.

Base sa imbestigasyon ng mga pulis, unang beses na nagkita ang suspek at biktima matapos silang mag-chat sa internet nang ilang araw. Pero nang dalhin umano sa bahay ng kaibigan ng suspek ang babae, doon na siya pinuwersa ng lalaki hanggang sa halayin siya nito.

Matapos ang umano’y panggagahasa, sapilitan pa umanong kinuha ng suspek ang cellphone ng biktima.

Nang makauwi ang biktima ay agad siyang nagreklamo sa awtoridad.

Sa kabila nito, mariing itinanggi ng suspek sa pulisya ang ibinibintang sa kanya ng biktima.

Sasampahan ang suspek ng mga kasong robbery, paglabag sa BP 6 o illegal possession of bladed weapon, at rape.

vuukle comment

SUSPEK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with