^

Police Metro

Kelot patay, 7 naospital sa ‘devil crab’

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang lalaki ang nasawi habang pito ang naospital matapos silang kumain ng poisonous Devil Reef Crab o nakalalasong alimasag, iniulat kahapon sa Zamboanga del Norte.

Kinilala ang nasawi na si Arnel Tabanao, nasa hustong gulang at nakatira sa Liloy, Zamboanga del Norte, habang nilalapatan naman ng lunas sa ospital ang pitong iba pa kabilang ang ina ni Arnel.

Batay sa report, na­nguha ng alimasag sa dalampasigan ang biktima kasama ang kanyang pamangkin, subalit pati ang kanilang mga nakuhang alimasag ay ang poisonous devil crab.

Kwento ng pamangkin, niluto nila ang alimasag at nilagyan ng gata na inulam ng kanilang pamilya.

Makalipas ang ilang minuto, sabay-sabay na nakaranas ng pagkahilo, pagsusuka at paninikip ng dibdib ang mga biktima kaya isinugod ang mga ito sa ospital.

Habang nilalapatan ng lunas, hindi naisalba pa ng mga doktor si Arnel habang ang iba ay nasa maayos ng kalagayan.

Ayon sa doctor, ang Devil Reef Crabs ay hindi dapat hinuhuli at kinakain dahil ang mga ito ay nakalalason.

FOOD POISONING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with