Marcos, ipinag-utos ang bagong estratehiya vs money laundering
MANILA, Philippines — Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang lahat ng tanggapan ng gobyerno at departamento na i-adopt ang bagong estratehiya laban sa money laundering at terrorist financing.
Ang layon ay gawing mahusay at pagbutihin pa ang anti-money laundering measures sa bansa.
Nakasaad sa Executive Order No. 33, partikular na inatasan ng Pangulo ang mga ahensiya ng pamahalaan na i-adopt ang National Anti-Money Laundering, Counter-Terrorism Financing, and Counter Proliferation Financing Strategy (NACS) 2023-2027.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), layon ng EO No. 33 na tugunan ang International Cooperation Review Group (IGRG) Action Plans, tiyakin na ang Pilipinas ay naalis na sa Financial Action Task Force (FATF) Gray List, at mas pinabuti ang anti-money laundering nito, counter terrorism financing, and counter proliferation financing (AML/CTF/CPF) regime sa pamamagitan ng pag-adopt sa nasabing financing strategy.
Ang EO No. 33, may petsang Hulyo 4, 2023, ay nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
“In accordance with their respective mandates, all departments, agencies, bureaus, and offices of the national government, including government-owned or -controlled corporations (GOCCs) are directed, and all local government units are encouraged, to formulate and implement relevant strategy plans and programs to execute the NACS 2023-2027,” ang nakasaad sa EO.
“As the NACS for 2018-2022 under EO No. 68, s. 2018 expires, nakasaad sa EO na “it was imperative to adopt a new national financing strategy for the period of 2023-2027.”
Ang hakbang na ito ay bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan para alisin ang Pilipinas mula sa Grey List ng FATF “Jurisdictions Under Increased Monitoring,” o mga bansang nabigo na makapagpakita ng tangible at positive progress sa pagtugon sa lahat ng “key recommended actions” sa Third Mutual Evaluation Report (MER).
Ang pinakabagong EO ni Pangulong Marcos ay pinalitan ng pangalan.
Ang dating National Anti-Money Laundering and Countering the Financing of Terrorism Strategy ay ginawang National Anti-Money Laundering, Counter-Terrorism Financing and Counter-Proliferation Financing Strategy.
Idagdag pa rito, ang karagdagang sub-committee sa Proliferation Financing ay nilikha gaya ng nakasaad sa pinakabagong direktiba.
- Latest