^

Police Metro

Lalawigan ng Quezon, NPA free na

Ed Amoroso - Pang-masa
Lalawigan ng Quezon, NPA free na
Local officials of Quezon province, led by Governor Angelina Tan, officially declared the province as insurgency free during the 125th celebration of Philippine Independence Day at the Quezon Convention Center in Lucena City on June 12, 2023.
Photos courtesy of Michelle Zoleta

MANILA, Philippines — Sa pagdiriwang kahapon ng bansa sa ika-125 Independence Day ay idineklara na rin ang buong lalawigan ng Quezon na malaya na sa kuko ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA).

Lumagda sa Memorandum of Agreement (MOA) ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Quezon sa pangu­nguna ni Governor Angelina Tan at mga opisyal ng Philippine Army at ng Philippine National Police (PNP) na nagdedeklarang insurgency free sa lalawigan.

Ginanap ang pirmahan kasabay ng pagdiriwang ng ika-125 Araw ng Kalayaan at nakasaad sa MOA na wala nang insurhensya sa 39 munisipalidad at dalawang lungsod sa probinsya, ang Lucena at Tayabas.

Ani Tan, hindi magtatagumpay ang paglaban sa mga rebeldeng grupo kung hindi dahil sa mga dating kasapi nito na nagbalik loob sa pamahalaan at tumulong sa programa ng gobyerno na ibalik ang kapayapaan sa lalawigan.

Kaugnay nito, binigyan ng tulong pangkabuhayan ang 11 mga dating rebelde para magtuloy-tuloy ang kanilang pagbabagong buhay.

Umabot na sa P18-M ang naibigay na tulong ng gobyerno sa mga dating rebelde ng lalawigan na nagbalik-loob sa pamahalaan.

Nagpasalamat naman si Tan sa Armed Forces at PNP dahil sa tulong upang mapagtagumpayan ang laban sa insuhensiya sa tulong na rin ng mga lokal na opisyal ng pamahalaan tulad ng mga opisyal ng barangay.

Dagdag pa niya, bukas na ang mga mata ng mga taga-Quezon at hindi na papayag na mahikayat ang mga kabataan na maligaw ng landas at magbuwis ng buhay dahil ito ay hindi makatarungan.

Nananawagan din ang gobernadora sa lahat na isabuhay ang resolusyon o MOA upang magtuloy-tuloy na ang pagkamit na kapayapaan sa lalawigan.

FREE

NPA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with