^

Police Metro

Gibo tinabla ang UP-DND accord

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Gibo tinabla ang UP-DND accord
Gilberto Teodoro Jr.
Photo Release

MANILA, Philippines — Tablado kay Defense Secretary Gilberto Teodoro, Jr. ang mga panawagang ibalik ang kasunduan sa pagitan ng University of the Philippines (UP) at Department of National Defense (DND) na nagbabawal sa pagpasok ng militar sa UP campus.

Agad nilinaw ng kalihim na hindi ito nanga­ngahulugan na hindi niya kinikilala ang autonomy ng University of the Philippines (UP).

Ayon kay Teodoro na hindi siya naniniwala sa ganitong kasunduan lalo na at nagagamit  ng mga kalaban ng gobyerno ang unibersidad para mag-recruit ng kanilang mga bagong miyembro.

Sinabi ni Teodoro na kailangan lamang balansehin ng mga otoridad ang karapatan sa malayang pamamaha­yag.

Sakali aniyang ga­wing batas ang 1989 DND-UP accord at pi­nirmahan ni Pangulong Marcos Jr. sinabi ng kalihim na igagalang niya ito, subalit hindi susuportahan.

Hindi lang naman aniya sa UP may nagaganap na recruitment kundi sa iba pang mga pamantasan at unibersidad kaya dapat hindi i-single-out ang nabanggit na unibersidad sa kampan­ya laban sa insureksiyon.

GILBERTO TEODORO JR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with