^

Police Metro

4 kelot utas sa saksak

Danilo Garcia - Pang-masa
4 kelot utas sa saksak
Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, unang napaslang alas-9:40 ng gabi ang biktimang si Ariel Bautista, 46 ng Antipolo St., Sta. Cruz, Maynila ng suspek na si Bernard Pulido, 32-anyos.
STAR/File

MANILA, Philippines — Apat na lalaki ang nasawi sa insidente nang pananaksak sa Maynila, Binangonan at Taytay, Rizal, naganap kamakalawa.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, unang napaslang alas-9:40 ng gabi ang biktimang si Ariel Bautista, 46 ng Antipolo St., Sta. Cruz, Maynila ng suspek na si Bernard Pulido, 32-anyos.

Nabatid na nakikipag-inuman si Bautista sa may kanto ng Pedro Guevarra at New Antipolo St., Sta. Cruz at nang tumayo para bumili sa tindahan ay bigla siyang sinaksak ni Pulido na sabog sa droga sa may tagiliran malapit sa dibdib na ikinasawi nito.

Sa Brgy. 686, Paco, Maynila nang saksakin at mapatay ang biktimang si Mark Anthony Villasan, 33, habang kumakain sa karinderya ng suspek na si Edwin Mojica, 31 na isa umanong kilalang drug pusher sa lugar na tinutugis ng pulisya.

Patay rin ang biktimang si Delmar Ambrocio bunsod nang tama ng saksak sa dibdib habang nakatakas naman at tinutugis na ng mga otoridad ang suspek, na nakilala lang sa alyas na ‘Bryan’ na umano ay napikon sa una habang sila ay nag-iinuman sa Mangahan Felix Ville, Sto. Niño, Brgy. Bilibiran, Binangonan, Rizal, alas-5:20 ng hapon.

Ang ikaapat na nasawi ay kinilalang si Loreto Mañozo, nasa hustong gulang matapos na saksakin ng isa sa mga lalaking pinagsisigawan niya habang nakaistambay sa Block 15, Purok 5, Lupang Arenda, Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal, kamakalawa ng alas-4:00 ng madaling araw. - Mer Layson

SAKSAK

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with