^

Police Metro

Tinyente, patrolman ‘wag ilagay sa PDEG

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Huwag agad ilagay ang mga bagitong pulis sa Police Drug Enforcement Group (PDEG).

Ito ang iminungkahi ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa Philippine National Police (PNP) at dapat mag-adjust ang PNP sa kanilang administrative policies kabilang dito ang kanilang vetting system kung sino ang dapat italaga sa PNP-DEG matapos ang kontrobersiya sa umanoy cover-up sa P6.7 bilyon shabu bust sa Manila noong nakaraang taon.

Giit ng Senador na dapat walang mga patrolman o tinyente na maitalaga sa PDEG at dapat ay ma i-expose muna sila sa field, sa mahihirap na assignment at hindi umano kagaya na pag-graduate sa academy at diretso na agad sa PDEG.

Paliwanag ni Dela Rosa, dating hepe ng PNP na kapag dumiretso agad sila sa PDEG ay mali ang exposure nila dito sa kanilang trabaho lalo na kapag nakasama nila ang “ninja cops”.

Ang “ninja cops” ay tumutukoy sa mga police officer na sangkot din sa illegal na droga na karaniwan ay nagre-recycle ng mga nakumpiskang droga at ibinibenta ito.

Nauna na rin inamin ni dating PDEG director Polie Brigadier General Narciso Domingo na nagkaroon ng pagkukulang sa buy-bust noong Oktubre 2022 na nagresulta sa pagkakakumpiska sa 990 kilo ng shabu.

vuukle comment

PDEG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with