Pinoy bikers sinagasaan ng SUV sa Kuwait
MANILA, Philippines — Nasugatan ang labinlimang Pinoy bikers matapos araruhin ng isang SUV sa Kuwait habang nasa bike lane, naganap noong Biyernes ng umaga.
Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretray Eduardo Jose de Vega, Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs, nasa 30 Pinoy ang kasama sa grupo ng mga nagbibisikleta.
Tumatakbo umano ang mga siklista sa bike lane nang biglang araruhin ng SUV at hindi umano huminto ang driver kahit nakasagasa.
May 15 bikers ang dinala sa pagamutan kung saan 8 pa ang patuloy na ginagamot. Isa sa mga ito ang may pagdurugo ng utak.
“Mayroon isa may head trauma, multiple abrasion and brain hemorrhage. Pero hindi naman sinabi na emergency, araw-araw nagtse-check ang embassy,” pahayag ng opisyal.
Patuloy pang inaalam ng mga otoridad ng Kuwait kung sinadya o aksidente ang pag-araro sa mga Pinoy.
Bagama’t sumuko ang suspek sa mga otoridad doon, sinabi ng DFA na premature pa na sabihin na target nito ang isang specific na grupo.
- Latest