^

Police Metro

Magpinsan utas, tiyo sugatan sa kidlat

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang magpinsang lalaki habang sugatan ang kanilang tiyuhin matapos silang tamaan ng kidlat kamakalawa sa Samal, Bataan.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Elvin Sacris, 26; at Kevin Sacris, 22, habang nilalapatan naman ng lunas sa ospital ang kanilang tiyuhin na si Eddie Sacris lahat ay residente sa nasabing bayan.

Sa report ng Samal Risk Reduction Management Office, nasa bukid ang tatlo nang bigla na lamang bumuhos ang mala­kas na ulan na may kasamang malakas na kulog at kasunod ang pagkidlat.

Kayat’t sumilong ang tatlo sa may puno ng niyog, subalit tinamaan ito ng kidlat kaya nagpasyang lumipat sa kubo ang mga biktima na ang bubong ay gawa naman sa metal.

Sumunod na kidlat ay tumama ito sa metal ng bubong at kuryente kaya tinamaan ang mga biktima at pumasok sa katawan nila ang malakas na boltahe ng kuryente na naging sanhi ng agarang kamatayan ng magpinsan. Dinala naman sa ospital si Eddie at nilapatan ng lunas na ngayon ay nasa maayos ng kondisyon.

vuukle comment

KIDLAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with