^

Police Metro

Driver na sinibak tinangay ang passenger van ng amo

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinarnap ng isang driver ang company van ng kanyang dating amo na Chinese bilang ganti sa pagsibak sa kanya sa trabaho.

Agad na naaresto ang suspek sa kaniyang bahay sa Caloocan City na kinilalang si Reggie Tem­brina, 36, nakatira sa Phase 4 Package 5, Block 17 Lot 6, Brgy. 176 Bagong Silang, Caloocan City.

Sa ulat ng Manila Police District-Anti Carnapping Unit, alas-5:30 ng madaling araw noong Sabado nang arestuhin si Tembrina sa kaniyang bahay base sa reklamo ng dati niyang amo na si Richie Tseng at narekober ang tinangay niyang passenger van.

Ayon kay Astroval Villanueva, kasamang tsuper ng suspek, ipinarada niya ang van sa may Leon Guinto St., Malate, alas-10:00 ng gabi noong Mayo 14.

Pagbalik niya kinabukasan, nawawala na ang sasakyan at nang panoorin nila ang CCTV sa lugar ay nakita na tinangay ito ng suspek na si Tembrina.

Ayon kay Tembrina, ganti umano niya ito sa kaniyang amo nang bigla siyang sibakin sa trabaho gayung wala siyang ginawang masama ditto.

DRIVER

VAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with