^

Police Metro

Kontrata ng Malampaya pinalawig hanggang 15 taon

Malou Escudero - Pang-masa
Kontrata ng Malampaya pinalawig hanggang 15 taon
Nilagdaan kahapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagpapalawig ng kontrata ng Malampaya na ginawa sa President Hall.

MANILA, Philippines — Pinalawig hanggang 15-taon ng Marcos admi­nistration ang kontrata para sa Malampaya gas field.

Ito’y matapos lagdaan kahapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Renewal Agreement for the Malampaya Service Contract no. 38 (SC 38) na nagpapahintulot para sa tuluy-tuloy na produksyon ng Malampaya gas field at titiyak na magagamit ang nalalabing gas reserves.

Ang paglagda ng Pa­ngulo ay nagpalawig pa sa 25-year production contract na nakatakdang magtapos  sa Pebrero 22, 2024. Tatagal ang kontrata hanggang February 22, 2039 o karagdagang 15-taon.

Sa ilalim ng kontrata, ang SC Consortium ay itinakdang magsagawa ng minimum work program na kapapalooban ng geological at geophysical studies gayundin ng drilling ng hanggang dala­wang deep-water wells mula 2024 hanggang 2029.

Ang nasabing requirement ay bukod pa sa production operations nito.

Ang nasabing work program ay nakatuon para buksan ang potensyal ng existing gas field at ng malapit na prospect areas para pataasin ang produksyon.

Inaasahan ding magsusumite ang SC Consortium ng decommissioning plan at budget na sasakop sa abandonment of weels at decommission ng pasilidad alinsunod sa aplikableng international standards, kabilang ang timing at costs, sa loob ng 30-calendar days mula sa effecti­vity ng Renewal Agreement para sa approval ng Department of Energy (DOE).

MALAMPAYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with