Ex-FL Imelda nagpa-angioplasty
May 12, 2023 | 12:00am
MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Senador Imee Marcos na sumailalim ang kanyang ina na si dating Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos sa isang medical procedure.
Anya, naging matagumpay ang isinagawang angioplasty sa kanyang ina noong May 7, 2023 sa St. Luke’s Medical Center sa Global City.
Patuloy na nagpapagaling ang dating Unang Ginang at posibleng makauwi na umano ngayong linggo sa kanilang bahay.
Ang dating Unang Ginang ay mag-94 taong gulang na sa buwan ng Hulyo.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
- Latest
Latest
Latest
Recommended