^

Police Metro

75,000 Pinoy seaman kukunin ng US firms

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagpahayag ang isang seafaring firm executive noong Martes (Washington DC time) na nakatakdang kumuha ng humigit-kumulang na 75,000 Pinoy seafarers­ sa loob ng tatlo hanggang apat na taon ang  mga kum­panya sa Estados Unidos.

Sa pakikipagpulong kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Washington DC, sinabi ni John Padget, presidente at CEO ng Carnival Corp., na naka­takdang kumuha ng mga Filipino seafarer ang kanyang grupo ng mga kumpanya.

Pinuri ni Padget, na kumakatawan din sa Carnival Cruise Line, Holland American Airlines, at Seaborn, ang mga manggagawang Pilipino dahil sa kanilang mabuting pakikitungo at competitiveness sa global workforce.

“It doesn’t matter whether it’s the marine, deck, hospitality, restaurant… everything is based on the happiness, the smile, and the greatness of the Filipino employees,” ani Padget.

Iniharap ni Department of Migrant Workers Secretary Susan Ople, na nasa pulong, sa mga kumpanya ng US ang interes ng 200,000 Filipino na ayon sa kanya ay sumusunod sa patas at ethical standards at principles.

Pinasalamatan din ni Marcos ang mga employer ng US sa kanilang patuloy na pagtitiwala sa mga propesyonal at skilled na manggagawang Pilipino.

Ang mga Pilipino ay kumakatawan sa ikaapat na pina­kamalaking immigrant group sa Amerika pagkatapos ng mga Mexican, Indian, at Chinese. May mahigit sa apat na milyong Pilipinong immigrants, na ang iba ay temporary at ang iba ay permanent.

Sinabi ng Malacañang na sa pamamagitan ng kanilang mga remittances, ang mga manggagawang Pilipino ay nag-aambag sa pag-unlad ng ekonomiya ng US at Pilipinas sa kanilang mga kasanayan, talento, at kadalubhasaan. — Joy Cantos

vuukle comment

WASHINGTON

WORK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with