^

Police Metro

Pangulong Marcos sinaksihan ang live-fire sea drills ng Balikatan 2023

Malou Escudero - Pang-masa
Pangulong Marcos sinaksihan ang live-fire sea drills ng Balikatan 2023
Sinaksihan kahapon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Combined Joint Littoral Live Fire Exercise of the Philippines-United States of America (USA) Armed Forces na isinagawa sa San Antonio, Zambales.
PNA

MANILA, Philippines — Sinaksihan kahapon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang live-fire sea drills ng Pilipinas at Armed Forces ng Estados Unidos sa Zambales bilang bahagi ng kanilang Balikatan Exercise kung saan ipinakita ang paglubog ng isang lumang barko ng Philippine Navy.

Isinagawa ang drills mga 2.8 kilometro mula sa Naval Education Training Doctrine Command (NETDC) sa San Antonio, Zambales kung saan lumahok ang U.S. at Philippine combat units sa isang pinagsamang joint littoral live-fire exercise, na nagtapos sa field training event para sa Balikatan 2023.

Humigit-kumulang 1,400 marines, sundalo, sailors, airmen at Coast Guardsmen mula sa dalawang bansa ang naki­bahagi sa Combined Joint Littoral Live Fire Exercise na kinabibilangan ng pag-detect, pagtukoy, pag-target sa isang target na barko gamit ang iba’t ibang ground at air-based weapons systems.

Itinampok sa exercise ang U.S. at Phi­lippine weapons platforms na tumarget sa isang  barko, isang naka-decommissioned na Philippine Navy corvette na hinila sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Ang bilateral weapons systems na ginamit sa war games ay binubuo ng U.S. at Philippine artillery, High-Mobility Artillery Rocket Systems (HIMARS) at ng Avenger air defense systems.

Pinakilos din ang mga makabagong combat aircraft kabilang ang AH-64 Apache attack helicopter, Philippine Air Force FA-50 Golden Eagle fighter-attack aircraft, F-16 Fighting Falcons, U.S. Marine F-35B Joint Strike Fighters, at ang U.S. Air Force Special Operations Command AC-130 Spectre gunship.

Ang isa sa mga pinaka-inaasahang armas mula sa US arsenal ay ang HIMARS, isang full-spectrum, combat-proven, all-weather, 24/7, lethal at responsive, wheeled precision strike weapons system.

Ang HIMARS ay isang C-130 air transportable wheeled launcher na naka-mount sa isang 5-toneladang Family of Medium Tactical Vehicles XM1140A1 truck chassis na nakatalaga sa Field Artillery Brigades.

Ang Pilipinas ay isang pangunahing kaalyado ng U.S. at ang pinakamalaking tumatanggap ng tulong militar, kagamitan, at pagsasanay ng U.S. sa rehiyon.

BALIKATAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with