^

Police Metro

532 preso sa Bilibid pinalaya

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinalaya kahapon mula sa national penitentiary sa bansa ang nasa 532 na persons deprived of liberty (PDLs).

Pinangunahan ang simpleng seremonya nina Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at Bureau of Corrections (BuCor) Director General, Gregorio Catapang, Jr. na ginanap sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Sa 532 Persons Deprived of Liberty (PDLs), 315 binigyan ng parole dahil sa good time conduct allowance (GTCA) o good beha­vior, 65 ang naabsuwelto sa mga kaso, 7 ang nabigyan ng probation, 1 dahil sa habeas corpus habang ang iba ay nagsilbi na sa kanilang mga sentensiya.

Kabilang sa mga ka­rapat-dapat para sa pagpapalaya ay ang 75 mula sa maximum security compound; 122 mula sa me­dium security compound; 12 mula sa minimum security compound; at dalawa mula sa Reception and Diagnostic Center ng National Bilibid Prison.

Kabilang din ang 20 mula sa Leyte Regional Prison sa Abuyog, Leyte; 67 San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City; 16 Sablayan Prison at Penal Farm sa Occidental Mindoro; 24 Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan; 40 Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City; 154 Davao Prison and Penal Farm sa Davao del Norte.

Bibigyan sila ng certificate of discharge from prison, grooming kit, gratuity, at transportation allowance.

PRESO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with