^

Police Metro

Ex- Quezon City Mayor Bautista, kinasuhan ng 2 graft sa Sandiganbayan

Angie dela Cruz - Pang-masa
Ex- Quezon City Mayor Bautista, kinasuhan ng 2 graft sa Sandiganbayan
Sa unang kaso, nagsabwatan umano sina Bautista at Cuña matapos na paboran ang Cygnet Energy and Power Asia at i-award dito ang P25 milyong kontrata para sa  suplay at paglalagay ng solar power system at waterproofing works ng Civic Center Building F ng QC LGU.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dalawang kaso ng graft laban kay dating Quezon City Mayor Herbert Bautista na may kinalaman sa dalawang government projects noong 2019 ang isinampa ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan.

Bukod kay Bautista, kasama rin sa kinasuhan si dating Quezon City Administrator Aldrin Cuña.

Iniakyat ito sa Sandiganbayan matapos makakita ng sapat­ na batayan upang maidiin ang dalawa sa naturang kaso.

Sa unang kaso, nagsabwatan umano sina Bautista at Cuña matapos na paboran ang Cygnet Energy and Power Asia at i-award dito ang P25 milyong kontrata para sa  suplay at paglalagay ng solar power system at waterproofing works ng Civic Center Building F ng QC LGU.

Si Cuña umano ang nag-isyu ng Certificate of Acceptance, habang si Bautista ang lumagda sa disbursement voucher para bayaran ang Cygnet kahit na nabigo ito  na makapag-apply at makakuha ng net metering system mula sa Meralco na nakapaloob sa term of reference at supply delivery agreement ng proyekto na dahilan para malugi ang LGU.

Sa hiwalay na kaso, sinampahan din ng katiwalian sina Bautista at Cuña matapos na paboran naman ang kompanyang Geodata Solutions Inc., nang pumasok ang una para sa online occupational permitting at tracking­ system na nagkakahalaga ng mahigit sa P32 milyon  kahit na walang specific appropriations ordinance ang Sangguniang panglungsod at hindi nakumpleto ang delivery ng proyekto.

Nilagdaan naman ni Cuña ang purchase request maging ang obligation request. Nai-raffle na ang naturang mga kaso laban sa dalawa kung saan sa 3rd division ng Sandiganbayan ang unang kaso ng katiwalian, habang nasa 7th division naman ang ikalawang kaso.

GRAFT

HERBERT BAUTISTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with