^

Police Metro

Mister tinaniman ng tatlong bala sa ulo

Ludy Bermudo - Pang-masa
Mister tinaniman ng tatlong bala sa ulo
Namatay noon din ang biktimang si Gilberto Cruz Cayetano Jr., residente ng J. Victor St., Brgy. Pio Del Pilar, Makati City.
Philstar.com/File

MANILA, Philippines — Tatlong bala sa ulo ang itinanim ng gunman­ sa isang 39-anyos na negosyante habang ito ay nagpa­pahinga sa loob ng kanyang sasakyan, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Namatay noon din ang biktimang si Gilberto Cruz Cayetano Jr., residente ng J. Victor St., Brgy. Pio Del Pilar, Makati City.

Apat na suspek na riding-in-tandems ang bumaril sa biktima na ang isa dito, nagsilbing gunman ay nakasuot ng itim na jacket, itim na bull cap, gray na pantalon at green na tube mask.

Sa salaysay ng misis ng biktima bago naganap ang krimen, alas-10:59 ng gabi sa labas ng bahay­ ay nagbabantay siya sa kanilang tindahan at nakita ang mister na nagpapa­hinga sa front passenger seat ng kanilang Nissan Grand Livina.

Nagulat na lang umano­ siya nang makarinig ng mga putok at nang tingnan niya ang kina­roroonan ng kanyang asawa, nakita niyang pinaputukan ito habang nasa loob ng kanilang sasakyan at nagmamadaling umangkas sa naghihintay na motorsiklo ang suspek at sabay na ang kasabwat na riding-in-tandem.

Sa ulat ng ABS-CBN, sinabi ng kapatid ng biktima na si Desiree Caye­tano na may nauna nang pagtatangka­ sa buhay ng kapatid noong 2020 nang may tumutok umano ng baril dito nang sila ay mag-outing.

Hindi rin aniya, nila nalaman kung sino ang kaaway o nagtangka sa buhay ng kapatid dahil malihim umano ito at walang nababanggit sa kanila na kaaway o kagalit. Patuloy ang isinasa­gawang im­bestigasyon ng pulisya sa krimen.

vuukle comment

BALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with