^

Police Metro

Kotse vs SUV: Hepe ng pulisya tigok

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang isang Chief of Police ng Tubao Municipal Police Station ma­tapos bumangga ang minamaneho nitong kotse sa isang Fortuner sa Brgy. Guinabang, Bacnotan, La Union ng lalawigang ito, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si P/Major John Maynard Macusi, 32, ng Brgy. Old Central, Sudipen, La Union.

Habang ang driver ng Fortuner ay kinilalang si Avelino Ledda Anastacio, Jr., 29, ng Brgy. Nalasin, Balaoan, La Union.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente pasado alas-2:00 ng hapon nitong Martes sa kahabaan ng national highway sakop ng Brgy. Guinibang ng nasabing bayan.

Napag-alaman na tinatahak ni Major Macusi na lulan ng kulay gray na kotse at Anastacio Jr., na nagmamaneho naman ng kulay itim na Toyota Fortuner ang kahabaan ng kalsada nang pagsapit sa nasabing lugar ay nagkaroon ng malakas na head on collision ang dalawang sasakyan.

Sa lakas ng banggaan ay halos wasak ang harapang bahagi ng kotse na minamaneho ni Macusi gayundin naman ang sasakyan na minamaneho ni Anastacio.

Mabilis namang naisugod sa na­banggit na pagamutan ang mga ito pero dahil sa tindi ng pinsalang sinapit ni Macusi ay hindi na ito umabot pa ng buhay sa ospital. Nasa ligtas na kala­gayan naman si Anastacio at ang dalawang pasahero nito.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa insidente.

vuukle comment

KOTSE

PUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with