^

Police Metro

Ika-9 sa 10 preso na tumakas sa Pasay jail, nadakip na

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil na rin sa walang tigil na pagsasagawa ng manhunt operations laban sa 10 preso na pumuga sa Malibay Sub-Station 6 detention facility ng Pasay City police ay nadakip ang pang-siyam na suspect na umano’y pasimuno sa pag­takas ng mga preso.

Sa report ni Pasay police chief P/Col. Froilan Uy na isinumite kay Southern Police District (SPD) director P/Brig. Gen. Kirby John Brion Kraft ay kini­lala ang pinakabagong nadakip na pugante na si Norman Deyta y Punzalan, a.k.a. Pitpit, 28, nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165, at residente ng No. 704 Apelo Cruz, Brgy. 157, Malibay Pasay City.

Nadakip si Deyta ng joint operation ng iba’t ibang tanggapan ng Pasay City police sa ilalim ng supervision ni Uy, alas-10:00 ng umaga kahapon sa kahabaan ng Apelo Cruz St., Brgy. 152, Pasay City.

Sa pagkakaaresto kay Deyta ay narekober sa kanyang posesyon ang baril ng binugbog nilang jailer na si PSSg Arrison Arid na isang .9mm Beretta na may magazine na kargado ng 8 bala.

Nauna nang nadakip ang ikaanim na tumakas na si John Michael Cabe y Medellin, 22, residente ng No. 74 Yellow St., PAL Gate 1, Brgy. 184 Ma­ricaban, Pasay City at na­haharap sa kasong carnapping na naaresto, alas-8:40 ng gabi sa harap ng isang convenience store sa kahabaan ng Quirino Avenue, Brgy. San Dionisio, Para­ñaque City.

Naaresto naman ang pang pitong tumakas na suspect na si Romeo Estopa y Marasigan, residente ng Blk 8 Lt.8 Sta Rita St., Brgy 178 Maricaban, Pasay City, alas-6:45 ng umaga sa Mulawin St. Brgy 179, Maricaban, Pasay City.

Makalipas lamang ang kalahating oras ay sumunod namang nahuli ang pang walong pugante na si Carlo Magno Benavides y Legaspi, 37, residente ng No. 520 A Medicion 2E, Imus City, Cavite.

Patuloy ang paghaha­nap sa natitirang puganteng suspect na si Richard dela Cruz na nakalalaya pa rin hanggang sa kasalukuyan.

vuukle comment

JAIL BREAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with