^

Police Metro

Pasay jail break: 10 preso tumakas

Ludy Bermudo - Pang-masa

5 naibalik na

MANILA, Philippines — Tumakas ang sampu sa 35 persons under police custody (PUPC) sa naganap na jailbreak, sa pamamagitan ng pagputol sa rehas na bakal at pagkuyog sa police jail officer, sa isang police sub-station, sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Gayunman, lima na tumakas sa sampu ang naibalik sa kustodiya ng Pasay City Police Station.

Kinilala ang unang dalawang naaresto na sina Joey Hernandez, 29 anyos at Eden Garcia, 18 anyos , na kapwa sangkot sa kasong paglabag sa RA 9165 ay natunton at mu­ling naaresto, dakong alas 11:30 ng umaga ng araw ding iyon, sa Noble St., Brgy. 59, Pasay City ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section, Pasay CPS.

Kasunod nito ay ang pagsuko sa SPD pasado, ala-1:00 ng hapon ng isa pang tumakas na si Tirzo Galit, may kasong robbery.

Bandang, alas-2:14  nadakip na rin si Joshua Panganiban, 25, residente ng Maricaban, Pasay City subalit natunton ng Pasay Sub-station 6 at District Special Operations Unit ng SPD sa Arenda, Brgy. Santa Ana, Taytay, Rizal.

Habang isinusulat ang balitang ito, nasa lima pang pugante ang pinaghahanap na kinilalang sina Richard Dela Cruz, may kasong pag­labag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002); Carlo Magno Benavidez RA 9165; RA 9165; Norman Deyta, RA 9165; Romeo Marasigan, Robbery; at John Michael Cabe, Carnapping.

May alok na kabu­uang P130,000.00 na pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan at ikadarakip ng anim pang nakatakas.

Sa imbestigasyon, alas-4:30 ng madaling araw nang madiskubre ang pagpuga ng mga preso mula sa detention facility ng Malibay Police Station.

Tatlo umano sa mga preso ang nagputol ng grill ng selda at hinawakan ng tatlo ang duty jailer at kinuha ang pera, at iba’t ibang susi at ang kaniyang service firearm, bago nila binuksan ang selda ng pito pang kapwa PUPC.

Ang reward money na P100-libo kada ulo ay magmumula sa SPD habang ang P30-libo naman ay mismong sa bulsa ni Pasay City Mayor Emi Rubiano-Calixto.

JAIL BREAK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with