^

Police Metro

Gun banipinatupadsa Negros Oriental

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Gun banipinatupadsa Negros Oriental
Stock image of a 45 caliber pistol.
philstar.com/Irish Lising

MANILA, Philippines — Inihayag ng Negros Oriental Provincial Police Office ( NOPPO) ang pagpapatupad sa buong lalawigan ng gun ban.

Ito ay bunsod ng pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at walong iba pa kamakailan. Sa Facebook page ng NOPPO, ang lahat ng permit to carry firearm sa labas ng bahay ay suspindido pansamantala.

Tanging pulis, sundalo at iba pang law enforcement agencies na naka-duty ang pinapayagang magdala ng kanilang baril. Magugunita na si Degamo ay nagtamo ng 11 tama ng bala ng baril sa katawan matapos pagbabarilin ng mga dating sundalo sa kanyang bahay sa Brgy. San Isidro, Pamplona, Negros Oriental habang namamahagi ng 4Ps na kung saan ay walong iba pa ang nadamay at namatay.

Nasampahan na rin ng kasong murder, frustrated murder at illegal possession of firearms ang mga nahuling suspek. Sinabi naman ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr., na magpapakalat ng karag­dagang sundalo ang Armed Forces of the Philip­pines (AFP) sa lalawigan upang tumulong na mapigilan ang karahasan.

GUN

NOPPO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with